Layout by Layoutsandmor3
someone_like_mae
read my profile
sign my guestbook

Visit someone_like_mae's Xanga Site!

Name: olivia mae
Location: Manila, Philippines
Birthday: 1/3/1984
Gender: Female


Interests: hanging-out with friends and travelling around with family and friends
Expertise: drawing and designing accessories...
Occupation: Artist
Industry: Art


Message: message meEmail: email me
Website: visit my website
Yahoo: mae_borj


Member Since: 5/27/2005

SubscriptionsSites I Read
JujayPinkPiper

Groups Blogrings
DPS-rocksĀ®
previous - random - next

Born Again Christians
previous - random - next


Posting Calendar

|<< oldest | newest >>|
view all weblog archives

Get Involved!

Suggest a link

Recommend to friend

Create a site


Friday, May 27, 2005

you are not an accident

poem by Russell Kelfer...

you are who you are for a reason.

you're part of an intricate plan.

you're a precious and perfect unique design,

called God's special woman or man.

you look like you look for a reason.

our God made no mistake.

He knit you together within the womb,

you're just what He wanted to make.

the parents you had were the ones He chose,

and no matter how you may feel,

they were custom-designed with God's plan in mind,

and they build the Master's seal.

no, that trauma you faced was not easy.

and God wept that it hurt you so;

but it was allowed to shape your heart

so that into His likeness you'd grow.

you are who you are for a reason,

you've been formed by the Master's rod.

you are who you are, beloved,

because there is a God!

          

          ***tuwing binabasa ko 'to, napapangiti ako at konting nagkakatubig aking mata... masarap malaman at maramdaman na kahit anu pa ang mangyari, mamahalin ako ng Nakakataas hindi dahil sa kung ano taglay ko, kundi pinili Nya akong mahalin... kakakilig  ***


my bestfriend's wedding

i guess in a few months... it's gona be official... they're gona be a couple... with the blessing of my bestfriends parents... ashushu... i guess almost all of my friends are in a relationship now, some are in denial... hahaha but i guess formality is all that's missing. i feel happy for all of them, specially to my bestfriend, but i can't help but worry at times... saying... 'what if it doesn't work, they would both feel sad and depress...' that would hurt me as much... but then, when i see them happy, praying and waiting for Gods plan for them... i feel happy and hopeful that it just might work. but then, who gets to say that it will work...? would it work or grow much stronger if they give in to their emotions... and show how much they love each other... or would it be much sweeter if they would pray for it silently and let God work in their story... 'til now, i'm at a lost when it comes to this topic. but the only thing i could advice to all the people in-love... obedience is better than sacrifice... for my bestfriend, i am happy for him, but i will continually pray for them until God finally says... and brings them to the long walk in the you know where... hahaha... 


concert sa fx

          madalas akong sumakay sa mga fx, dala ng hindi ako matutong magdrive... kaya kahit saan ako pumunta fx ang sasakyan ko. papuntang school, fx... papuntang mall, fx... makikipag kita sa mga friends, fx... sa church, fx...

          sa tagal ko ng sumasakay sa fx, marami-rami na akong kwento tungkol dito. tulad nalamang kahapon... papunta akong UST, para makipagkita sa aking mga kaibigan, kaya sumakay ako ng fx papunta sa akin nais puntahan. pagsakay ko sa fx... ako lang at ang manong driver ang sakay... pagsara ko pa lang ng pinto, ang amoy ng pawis na natuyo ay umalingasaw... hahaha malupit kung sa malupit, sabi ko nalamang sa aking isip... 'pagkatapos ng ilang minuto, masasanay din ako...' binalak kong bumaba kaso naawa ako sa manong driver dahil ako lang ang kanyang sakay... hehehe kaya't sa aking piniling landas na pagkamartir. magkasama kaming naglakbay, maya-maya lamang... habang ako ay abala sa paglalakbay ng aking isip... bigla akong may narinig na kumakanta... "but will you say that you love me... and show me that you care... say that you need me and you will always be there......" HALA! si manong driver ay nagcoconcert! sumasabay sa radyo! muntik ng kayanin ng aking powers ngunit gustohin ko man kayanin ay hindi ko talaga... KINAYA! unti-unti bumaloktot ang aking labi at napangiti... napaisip ako... sobrang lungkot at sobrang inip na siguro si manong driver sa kanyang byahe kaya kinailangan nyang aliwin ang sarili sa pagkanta. sabayan daw ba si kyla at jay-r. panalo talaga si manong driver. muntik na akong mapaluha at damang-dama talaga nya ang pagkanta.

          habang abala si manong driver sa kanyang pagkanta, naisip ko na... kung gusto mo makilala isang tao, o kung may problema ka... sumakay ka lang sa fx, at siguradong mawawala lahat ang iyong dinadala. makikilala mo ang tao sa loob pa lamang ng fx, may mga tao na... mababasa mo kung may problema, meron dyan laging tulala na mukhang napaka lalim ng iniisp... may mga taong sa sobrang lalim ng pagiisip, nalalagpasan pa ang kanilang dapat babaan, ngunit dilat na dilat naman ang mga mata. kung meron mga dilat ang mata... marami naman laging tulog, malamang na nalalagpasan din ang dapat babaan at bukod pa dun, abala sa kanilang pagtulog... wala silang malay na halos humiga na sila sa kanilang katabi at ang kanilang ulo ay walang patid sa pagikot. hehehe mga bagay na kakainisan mo pero matatwa ka nalang pagnakasanayan mo na. may mga tao din na hindi na pinapansin ang mga tao sa kanilang paligid, sweet kung sweet ang labanan. hahaha kagabi na lamang, sa aking paguwi... malamang sa fx din ang aking sakyan... meron sa likod ay may isang couple na sweet... halay paglingon ko ay dalawang lalaki pala, hindi ko pa pansin nung una dahil, ang isa ay mahaba ang buhok. ngunit sweet silang tunay gaya na lamang ng mga magboyfriend at girlfriend. marami naman tao na napapangiti dahil sa mga text, na aakalain mong baliw... isa na ako dun. ang malupit pa dyan, minsan may mga taong natatawa o napapangiti kahit walang cellphone na hawak, tulad ko. mga tao rin na naiiyak sa dami narin siguro ng dalang problema. at marami ka rin matututunan sa isang tao dahil sa kwentuhan nila ng kanyang mga kaibigan na hindi ko naman maiwasan marinig dahil maliit lang naman ang fx... hahaha masaya ang buhay sa fx... sa kabila ng kainitan minsan, masaya parin.

          ako, kapag nasa fx, oras ko ito para makapagisip isip sa mga bagay na nangyayari sa akin, hindi lang ito basta transportasyon sa akin, masasabing ilan sa aking mga masasayang alaala ay dahil sa pagsakay sa fx... at totoong saludo ako kay manong driver at sa lakas ng loob magconcert, panalong tunay!



TaG BoarD